Pinoy Jokes

1. Hindi tama sumagot:

Bakit ang mga Pinoy hindi maayos sumagot kahit na maayos naman ang tanong:

Kumain ka na? Busog pa ako.

Nandiyan ba ang nanay mo? Bakit po?

Anong oras na? Maaga pa.

Paano mo ginagawa yan? Madali lang.

Saan ka na? Malapit na ako, wait lang.

PinoyJokes1

2. MAG-ASAWA NAG AAWAY

Babae: Mabuti pa ata kung nagpakasal na lang ako sa demonyo!!

Lalake: Wehh, bawal kaya magpakasal sa kamag-anak

3. NURSERY ROOM

Sa harap ng nursery window sa isang maternity hospital.

KAIBIGAN: Pare, pag laki ng anak mo, palagay ko magaling mag-drive yan

DAD: Bakit, pare, malaki ba ang kamay?

KAIBIGAN: Hindi pare, kasi parang kamukha siya ng drayber ninyo!

4. PATULONG MAGHANAP

Anak: PA ! Tulungan mo nga po ako sa Assigment ko

PAPA: Anu ba ung Assigment MO?

Anak: Hanapin daw ung Denaminator

PAPA: Grade 3 pa ko nyan ah. Di parin nila nahahanap?!

5. UPUAN SA BUS

JUAN: Alam mo, ayaw na ayaw kong makakita ng nakatayong babae sa bus habang ako eh nakaupo!

MAX: Edi pinapaupo mo?

JUAN: Hindi, natutulog ako!

6. PANGIT

INAY: Bat ka umiiyak?

BERTING: Si kuya po sinabihan ako PANGIT!

INAY: Totoo ba sumbong ng kapatid mo?

JUAN: Wag po kau maniwala sa sinasabi ng pangit na yan!

PinoyJokes2

7. ENGLISH-TAGALOG TRANSLATION

TEACHER: Juan, give me a sentence.

JUAN: Ma’am is beautiful, isn’t she?

TEACHER: Very good! Please translate in tagalog.

JUAN: Si ma’am ay maganda, hindi naman di ba?

8. TYPHOON PEDRING

INAY: Anak, may kasama daw si Bagyong Pedring na hurricane at tsunami na kayang palubugin ang Pilipinas! Alam mo ba ibig sabihin nun?

JUAN: Wala pong pasok bukas? Yey!

9. THREE MEALS A DAY

Sa Hospital.

Doc: Iha, mukhang pumapayat ka at hinang hina pa. Sinunod mo ba advice ko na 3 MEALS a day?

Girl: Diyos ko! 3 MEALS a day ba? Akala ko 3 MALES a day eh!!!

10. DISMISSAL

Naiwan sa classroom ang dalawang estudyante…

BOY: Wala na yung classmates natin. Tayo na lang dalawa rito. Ano, tara?

GIRL: Anong tara?

BOY: Sus, ano ba ‘yan?! Bilisan mo na!

GIRL: Ahh, ganu’n? Bakit dito? Sige na nga! (nagmamadaling naghubad) Tara na…

BOY: O, bakit ka naghubad? Tara, uwi na rin tayo, tanga!

credits to: pinoyjokes.net

Related posts